Tag Archives: Aris Santos

Book Review: Best Man – Aris Santos

Best ManI had a hard time composing myself. “Alam ko na kahit noong tayo pa, mas nangingibabaw ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka 100% straight!” “Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina,” ang sagot niya. Parang saglit na tumigil ang mundo ko. “May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya. “Ano yun?” ang tanong ko. Inapuhap niya muna ang mga mata ko bago nagsalita. “Will you be my best man?”

Napaka-usual ng kwentong ito at napakawabe rin ng narrative. Makatotohanan din. Bakit nga ba may mga tao sa buhay natin tinatawag natin na “The One That Got Away?” – tapos naisip ko, eh anong tawag natin sa mga nakatuluyan natin in the end? Second choice?

Malungkot ang kwento and I’m sure maraming makakarelate sa mga kaganapan dito. Maganda ang estilo ng pagsusulat ni Aris Santos dahil tumatagos talaga sa puso, malinaw at makatotohanan ang pagkukwento niya.

Isa itong maikling kwento na sumasalamin sa mga karanasan ng hindi lamang ng mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian kung hindi narin sa kahit sinong taong umiibig ngunit dala ng mapanghusgang lipunan o dala marahil ng pressure, napipilitan tayo/silang piliin ang desisyon na sumasalamin sa kagustuhan ng nakararami.

Bravo Aris! Keep on writing good stories!!!

Maari niyong i-download ang maikling kwento na ito sa link sa ibaba.
Free download at: http://www.smashwords.com/books/view/..

Connect with ARIS SANTOS online:
http://www.akosiaris.blogspot.com
https://www.smashwords.com/profile/view/akosiaris
http://www.goodreads.com/author/show/6150416.Aris_Santos

Review: Hangganan (A Short Story) by Aris Santos

HanggananMarubdob at makahulugan. Napakaganda ng pagsasalaysay ng kwento. Kahit na hindi inabot ng dalawampung pahina ang kwento, naisalaysay ng manunulat ang kagalingan niya sa pagkukwento. Ang ganda ng tema, ang ganda ng pamagat. Tama si Aris, maari kang magmahal ng sabay subalit hindi ka maaaring magmahal ng pantay. Tumbok na tumbok niya dun yun.

– at sa aking pakiwari, nangangati lamang itong si Calvin at kagaya nga ng nabanggit ni Aris – tulad ng ikalawang piga sa gata, malabnaw na ang pag-ibig na iniaalay ni Calvin. At ang pinakamaganda sa lahat ng sinabi niya, kung walang katapatan sa pag-ibig, hindi magiging ganap ang kaligayahan. Sa bandang huli, itong si Calvin magiging mesirable sa kanyang buhay pag-ibig. Napakagaling!!!! Bravo!!!

“Masasaktan siya kung mamahalin mo ako.”
“Hindi siya masasaktan dahil mamahalin ko rin siya.”
“Ayokong makihati sa kanya.”
“Buo pa rin ang pagmamahal ko sa’yo.”
“Bawas na dahil mahal mo rin siya.”
“Maaari akong magmahal nang sabay.”
“Hindi ka maaaring magmahal nang pantay.”

You can have your free copy of this short story by downloading it here: https://www.smashwords.com/books/view/166613