Marubdob at makahulugan. Napakaganda ng pagsasalaysay ng kwento. Kahit na hindi inabot ng dalawampung pahina ang kwento, naisalaysay ng manunulat ang kagalingan niya sa pagkukwento. Ang ganda ng tema, ang ganda ng pamagat. Tama si Aris, maari kang magmahal ng sabay subalit hindi ka maaaring magmahal ng pantay. Tumbok na tumbok niya dun yun.
– at sa aking pakiwari, nangangati lamang itong si Calvin at kagaya nga ng nabanggit ni Aris – tulad ng ikalawang piga sa gata, malabnaw na ang pag-ibig na iniaalay ni Calvin. At ang pinakamaganda sa lahat ng sinabi niya, kung walang katapatan sa pag-ibig, hindi magiging ganap ang kaligayahan. Sa bandang huli, itong si Calvin magiging mesirable sa kanyang buhay pag-ibig. Napakagaling!!!! Bravo!!!
“Masasaktan siya kung mamahalin mo ako.”
“Hindi siya masasaktan dahil mamahalin ko rin siya.”
“Ayokong makihati sa kanya.”
“Buo pa rin ang pagmamahal ko sa’yo.”
“Bawas na dahil mahal mo rin siya.”
“Maaari akong magmahal nang sabay.”
“Hindi ka maaaring magmahal nang pantay.”
You can have your free copy of this short story by downloading it here: https://www.smashwords.com/books/view/166613