I had a hard time composing myself. “Alam ko na kahit noong tayo pa, mas nangingibabaw ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka 100% straight!” “Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina,” ang sagot niya. Parang saglit na tumigil ang mundo ko. “May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya. “Ano yun?” ang tanong ko. Inapuhap niya muna ang mga mata ko bago nagsalita. “Will you be my best man?”
Napaka-usual ng kwentong ito at napakawabe rin ng narrative. Makatotohanan din. Bakit nga ba may mga tao sa buhay natin tinatawag natin na “The One That Got Away?” – tapos naisip ko, eh anong tawag natin sa mga nakatuluyan natin in the end? Second choice?
Malungkot ang kwento and I’m sure maraming makakarelate sa mga kaganapan dito. Maganda ang estilo ng pagsusulat ni Aris Santos dahil tumatagos talaga sa puso, malinaw at makatotohanan ang pagkukwento niya.
Isa itong maikling kwento na sumasalamin sa mga karanasan ng hindi lamang ng mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian kung hindi narin sa kahit sinong taong umiibig ngunit dala ng mapanghusgang lipunan o dala marahil ng pressure, napipilitan tayo/silang piliin ang desisyon na sumasalamin sa kagustuhan ng nakararami.
Bravo Aris! Keep on writing good stories!!!
Maari niyong i-download ang maikling kwento na ito sa link sa ibaba.
Free download at: http://www.smashwords.com/books/view/..
Connect with ARIS SANTOS online:
http://www.akosiaris.blogspot.com
https://www.smashwords.com/profile/view/akosiaris
http://www.goodreads.com/author/show/6150416.Aris_Santos